Foreigner, arestado matapos manghipo sa loob ng sinehan

By Rhommel Balasbas October 15, 2017 - 02:50 AM

Arestado ang isang Amerikano matapos umanong hipuan ang isang babae sa isang sinehan sa isang mall sa Quezon City.

Nakilala ang Amerikano na si Joseph Martin McMillan, 31-anyos at anim na buwan na anyang nasa bansa.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) Criminal Investigation and Detection Unit, nasa loob ng sinehan ang babae katabi ang kanyang asawa at katabi rin ang suspek sa kabilang upuan ng hawakan nito ang kanyang hita.

Nagpalitan ng upuan ang mag-asawa ngunit isang komosyon ang nagsimula matapos utusan ng asawang lalaki si McMillan na alisin nito ang braso sa kanyang chair.

Ayon sa mag-asawa, imbes na alisin ang kanyang braso ay sinuntok nito ang asawang lalaki.

Dinala si McMillan sa QCPD Station 2 at inilipat sa QCPD headquartes sa Camp Caringal.

Itinanggi naman ng Amerikano ang alegasyon na minolestiya niya ang babae at iginiit na hindi siya nakainom nang mangyari ang insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.