Ito ang pahayag ng grupo matapos ang pagbabanta ni Duterte sa posibilidad ng pagdedeklara niya ng “revolutionary government”.
Noong Biyernes, sinabi ng pangulo na hindi siya mag-aalinlangang magdeklara ng “revolutionary government” upang mapigilan ang hinihinalang mga destabilization efforts ng mga kritiko.
Ayon sa grupo, ang ganitong pahayag ng pangulo ay pagkaalarma lamang sa pagbaba ng kanyang trust ratings.
Nananawagan ang Tindig Pilipinas sa mga democratic forces sa loob at labas ng bansa na pigilan ang pangulo sakaling ipatupad niya ang kanyang balak.
Anila, hindi dapat payagan na mapasailalim ang bansa sa interes ng iisang tao, ng isang pamilya at ng kanyang mga kaalyado.