Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Odette batay sa pinakahuling ulat ng PAG-ASA.
Sa inilabas na 11p.m advisory ng weather bureau, namataan ang Bagyo sa layong 350 kilometro Kanluran – Hilagang Kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 140 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo pa-Hilagang Kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Ibinaba na rin ang lahat ng Tropical Warning Signals sa lahat ng dako ng bansa.
Gayunpaman, inaasahan pa ring makararanas ng mahina hanggang sa minsan ay may malakas na pag-ulan ang Ilocos Region, CALABARZON, MIMAROPA, Zambales, Bataan maging ang Metro Manila.
Nananatili namang delikado ang paglalayag sa mga karagatan sa Northern Luzon, western seaboards ng Central Luzon at western at southern seaboard ng Southern Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.