Company executive patay makaraang mahulog sa isang gusali sa Pasig City
Kinumpirma ng First Philippine Holdings Corp. (FPHC) ng Lopez Group of Companies ang pagkamatay ni Edwin Coseteng.
Si Coseteng na siyang Executive Vice President ng FPHC ay natagpuang duguan kaninang umaga sa ground floor ng Tower 3 Rockwell Business Center sa Ortigas Avenue Brgy. Ugong sa pasig City.
Sa inisyal na ulat, sinabi ni Eastern Police District Director Romulo Sapitula na nahulog si Coseteng mula sa ika-sampung palapag ng kanyang tanggapan na matatagpuan sa nasabing gusali.
Isinugod pa si Coseteng sa The Medical City ng mga taong nakakita sa kanya pero idineklara siyang dead-on-arrival.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, sinabi ng ilang security guard ng gusali na bigla na lamang silang nakarinig ng kalabog pasado alas-otso ng umaga.
Sinabi naman ng hindi nagpakilalang saksi na nakitang tumalon mula sa kanyang opisina ang biktima na siya ngnayong subject ng imbestigasyon ng mga otoridad.
Wala pang inilalabas na pahayag ang mga kaanak ng biktima kaugnay sa nasabing pangyayari.
Bago ang kanyang pagkamatay, si Coseteng rin ang pangulo ng First Philippine Industrial Park Inc at First Philippine Electric Corp. ayon sa website ng FPHC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.