Malacañang sa PDEA: Huwag pansinin ang mga kritiko

By Alvin Barcelona October 14, 2017 - 04:35 PM

Inutusan ng malacanan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ituloy ang kampanya nito kontra sa droga at huwag magpa-apekto sa mga kritiko ng administrasyon.

Ginawa ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang pahayag sa harap ng paninira ng grupong Amnesty International sa PDEA na inatasan kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanging ahensya na magsasagawa ng mga anti-illegal drug operations.

Ayon kay abella, pagkatapos ng Philippine National Police, PDEA naman ngayon ang pinupuntirya ng galit at paninira ng grupo.

Sa kabila aniya nito, tuloy ang pamahalaan sa kampanya nito para sa crime, corruption and illegal drug free nation.

Umaasa din aniya ang Malakanyang na hindi makakahadlang sa trabaho ng PDEA ang pakiki-alam ng ilang dayuhang ahensya na hindi nauunawaan ang misyon ng pamahalaang Pilipinas.

TAGS: amnesty international, Malacañang, PDEA, PNP, amnesty international, Malacañang, PDEA, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.