1 patay sa pananalasa ng bagyong Odette

By Mark Makalalad October 14, 2017 - 10:57 AM

PAGASA

Nakapagtala na ng isang patay ang National Disaster Risk Reduction Management Council dahil sa hagupit ng Bagyong Odette.

Tinukoy ni NDRRMC spokesperson Romina Marasigan, ang  namatay sa lalawigan ng Apayao na si Rodrigo Garcia, 68 years old.

Sa inisyal na ulat, tinagay ng malakas na agos ng ilog ang matanda habang sinosilong ang alaga nitong kalabaw.

Dahil sa lakas ng agos, tinangay ng rumaragasang tubig si Garcia na siya namang naging dahilan para malunod nito.

Samantala, nakauwi naman na sa kani-kanilang mga bahay ang mga pamilya na nag-evacuate sa Apayao.

Unti-unti na rin daw humuhupa ang tubig baha sa bahagi ng Cagayan.

Habang naibalik naman na ang naputol na linya ng kuryente sa Ilocos Sur at Apayao.

Patuloy pa rin ang pagtanggap ng NDRRMC ng mga ulat kaugnay sa pinsala ng bagyo sa ibang bahagi ng bansa.

TAGS: Apayao, Bagyo, Cagayan, NDRRMC, odette, Apayao, Bagyo, Cagayan, NDRRMC, odette

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.