De Lima tinatawag ni Duterte na “prisoner of lust”

By Jimmy Tamayo October 14, 2017 - 09:45 AM

Muling pinatamaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakapiit na si Senator Leila de Lima.

Ito ay bilang reaksyon sa pahayag ng senadora na siya ay “prisoner of conscience” dahil sa pagkakapiit sa kanya sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Sa panayam sa pangulo Biyernes ng gabi, sinabi nitong dapat mahiya si De Lima sa kanyang sinasabi at hindi aniya dapat tawaging “prisoner of conscience.”

Dagdag ni Duterte, dapat tawagin si De Lima na “prisoner of lust” dahil ito aniya ang naging dahilan ng pagkakakulong sa senadora.

Tinukoy ng Pangulo ang nabunyag na relasyon ng mambabatas sa driver at bodyguard na si Ronnie Dayan na umaming tumatanggap ng drug money sa ngalan ng noon ay kalihim pa ng Department of Justice.

Binalewala din ng Chief Executive ang panawagan ng ilang grupo para palayain si Senator De Lima dahil may matibay aniyang basehan ang kinakaharap nitong kaso.

TAGS: dayan, de lima, drugs, duterte, PNP, dayan, de lima, drugs, duterte, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.