DND tumanggi nang magbigay ng deadline sa gulo sa Marawi City

Inquirer photo

Tumanggi nang magbigay ng deadline si Defense Secretary Delfin Lorenzana kung kailan matatapos ang gulo sa Marawi City.

Ipinaliwanag ng kalihim na ayaw na niyang magtakda ng petsa dahil ilang beses na rin naman siyang nabigo at umani ng batikos sa mga binitiwang salita.

Aniya, nakasalalay sa ground commander kung kailan talaga matatapos ang pakikidigma sa Maute/Isis group na nakalaban ng pwersa ng militar.

Dagdag pa ni Lorenzana na ang pagkakaligtas sa 17 bihag mula sa kamay ng Maute ay patunay na maaaring maantala ang pagpapalaya sa Marawi sa kamay ng teroristang grupo.

Maaaring marami pa rin ang mga sibilyan na hawak ng grupo kaya maingat ang bawat hakbang ng AFP.

Samantala, nagtungo si Lorenza sa Malaysia para dumalo sa pagpupulong ng Ulama o Muslim Scholars para tumulong na pigila

Read more...