Duterte hindi iiwasan ng mga investors ayon sa dating Malaysian premier
Sinabi ni dating Malaysian Prime Minister Mahathir Bin Mohamad na walang epekto sa mga foreign investment ang pakikipag-away ni Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations pati na rin sa European Union.
Sa media briefing makaraan ang kanyang pagsasalita sa 49th Financial Executives Intitute of the Philippines conference sa Makati city, sinabi ni Mahathir na nasa bansa ang mag negosyante para kumita at wala silang pakialam sa pulitika.
May mahalaga umano sa mga investors ang katatagan ng ekonomiya at ang kanilang kaligtasan at hindi nila pinapansin ang mga isyung pulitikal.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni Wallace Business forum Founder Peter Wallace na sanay na ang mga negosyante sa istilo ng pamamahala pati sa pananalita ng pangulo.
Alam din umano ng mga investors na ang mga sinasabi ng chief executive ay hindi naman nangangahulugan na bahagi na ito ng polisiya ng pamahalaan.
Magugunitang binuweltahan kamakailan ng pangulo ang U.N at European Union dahil sa umano’y pakikialam nila sa ilang internal issues ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.