Ito ang pahayag ni Pangulong Duterte at nilinaw na mismong siya ay nagulat sa naging hakbang ng mababang kapulungan.
Anya, natanggap naman niya ang ang resignation na nai-file ni Bautista sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary at pinirmahan ito.
Nilinaw rin ni Duterte na hindi niya inutusan ang sinumang kaalyado sa Kamara para isagawa ang impeachment complaint dahil hindi niya anya ito istilo.
Matatandaang ayon kay Bautista ay nagpasa na siya ng resignation letter sa pangulo kung saan maninilbihan siya sa Comelec hanggang sa katapusan na lamang ng 2017.