Impeachment ni Bautista, hindi na kailangan dahil kinukonsiderang nagresign na – Duterte

By Rhommel Balasbas October 14, 2017 - 05:29 AM

Hindi na kailangan pagdaanan ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista ang masalimuot na impeachment process dahil kinukonsidera na itong nagbitiw sa pwesto.

Ito ang pahayag ni Pangulong Duterte at nilinaw na mismong siya ay nagulat sa naging hakbang ng mababang kapulungan.

Anya, natanggap naman niya ang ang resignation na nai-file ni Bautista sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary at pinirmahan ito.

Nilinaw rin ni Duterte na hindi niya inutusan ang sinumang kaalyado sa Kamara para isagawa ang impeachment complaint dahil hindi niya anya ito istilo.

Matatandaang ayon kay Bautista ay nagpasa na siya ng resignation letter sa pangulo kung saan maninilbihan siya sa Comelec hanggang sa katapusan na lamang ng 2017.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.