Batikang sports writer at columnist na si Beth Celis, pumanaw na

By Rhommel Balasbas October 14, 2017 - 05:22 AM

Pumanaw na sa edad na 73 ang batikang sports columnist at writer na si Beth Celis.

Ito ang inanunsyo ng kanyang anak na si Stephanie Celis-Herrera sa pamamagitan ng facebook page ng kanyang ina.

Si Celis na isa sa mga nagtaas ng antas sa pamamahayag sa larangan ng sports ay tinitingala hindi lamang ng mga katrabaho kundi maging ng mga atleta.

Basketball ang naging sentro ng karera ni Celis kung saan saksi siya sa pagsibol ng Philippine Basketball Association.

Huli siyang nagtrabaho sa ilalim ng Philippine Daily Inquirer kung saan ang huli niyang column tungkol sa mga reporma sa national sports ay nailathala pa nitong Martes lamang.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa Facebook at Twitter ng mga ilang personalidad na nakatrabaho rin ni Celis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.