Iran Nuclear Deal, binantaang puputulin na ni Trump

Nagbanta si US President Donald Trump na magpupull-out sa 2015 Iran Nuclear Deal.

Nasa ilalim ng deal ang dalawang bansa na naglalayong itigil ng Iran ang advancements nito sa kanilang nuclear program.

Inaakusahan ng presidente ang Iran na sumusuporta sa terorismo at hindi anya niya ito papayagan na maging nuclear threat tulad ng North Korea.

Dagdag pa ni Trump, nagpapakalat ang Iran ng “death, destruction at chaos.”

Iginiit naman ni Iranian President Hassan Rouhani na hindi maaaring palitan ng US ang nuclear deal.

Samantala, naalarma rin ang ilang miyembro ng European Union sa naging mga pahayag ni Trump.

Ayon kay EU foreign policy chief Federica Mogherini na matibay ang kasunduan at walang mga paglabag na nagawa ang Iran sa ilalim nito.

Sa isang joint statement, sinabi nu United Kingdom, France at Germany na mananatili silang committed sa naturang kasunduan ngunit iginiit na nababahala rin sila sa ballistic missile program ng Iran.

Read more...