Tourist police unit, binuo para magbantay sa Tomas Morato, QC

By Kabie Aenlle October 14, 2017 - 05:11 AM

Ipinag-utos na ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang pag-buo ng tourist police unit sa bahagi ng Tomas Morato.

Ito ay upang mapanatili ang kaayusan at matiyak ang kaligtasan ng mga bumibisita sa naturang lugar, lalo’t kilala itong gimikan tuwing gabi.

Ayon kay Quezon City Police District Station 10 commander Supt. Christian dela Cruz, magtatalaga sila ng tauhan para sa nasabing unit, na bibigyan ng mga bisikleta para makapag-patrulya at mapanatili ang police visibility.

Tiniyak din ni Dela Cruz na dadamihan nila ang mga naka-toka na pulis sa lugar sa mga susunod na araw lalo’t nalalapit na ang holiday season.

Sa ganitong panahon kasi ay mas dinadagsa ng tao ang Tomas Morato.

Bahagi na rin ito ng pagsisikap ni Bautista na gawing tourism district ang Tomas Morato.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.