Duterte, nainis sa pananahimik ng EU sa presensya ng Progressive Alliance and Party of European Socialists

By Kabie Aenlle October 14, 2017 - 04:24 AM

Walang bahid ng paghingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte isang araw matapos niyang bigyan ng 24 oras ang mga ambassadors ng European Union (EU) para umalis sa bansa.

Ito’y makaraang magalit ang pangulo sa EU dahil sa umano’y pangingialam nito sa mga domestic affairs ng Pilipinas, at pagsasapubliko ng kanilang pahayag laban sa drug war ng administrasyon.

Matatandaang nilinaw na ng EU na wala silang kinalaman sa pagbisita dito ng Progressive Alliance and Party of European Socialists at sa mga pahayag nito.

Pero sa kabila nito, sa talumpati ni Duterte sa Dumaguete City ay muli pa niyang binanatan ang EU, dahil sa aniya’y hindi maagap na pagpapaliwanag nito na wala silang kaugnayan sa naturang grupo.

Kinwestyon ni Duterte kung bakit hindi agad nagsalita ang EU noong panahong naglalabas ng kung anu-anong pahayag ang nasabing alyansa.

“You know what? Johnny-come-lately, here comes the ambassador of EU to the Philippines disclaiming, ‘They are not part of the EU.’ Why did you not say that immediately? You kept your silence while they were yakking here,” ani Duterte.

Iniulit naman ng pangulo ang kaniyang panawagan sa EU na huwag makialam sa mga isyu ng bansa.

Ani Duterte, kung kayang magbigay ng EU ng sampung masasamang bagay tungkol sa Pilipinas, kaya niyang higitan ito kapag nagsalita siya laban sa unyon.

Iginiit rin niyang hindi siya natatakot na maalis ang Pilipinas sa United Nations.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.