Dugo sa paddle na ginamit sa initiation rites kay Atio Castillo nagtugma sa DNA ng kaniyang magulang

By Mark Makalalad October 13, 2017 - 07:15 PM

Kinumpirma ng Philippine National Police Crime Laboratory na sa biktima ng hazing na si Horacio Castillo III ang mantsa ng dugo na nakuha sa puting damit at paddle na pinaniniwalaang ginamit sa initation rite.

Ayon kay Chief Inspector Lorna Santos ng Crime lab DNA Analyst Branch, base sa isinagawang pagsusuri lumalabas na 99.9 percent na nagtuma ang DNA sample ng magulang ni Atio castillo na sina Horacio Castilo Jr. at Carminia Castilo sa dugong nakuha sa paddle at shirt.

Ibig sabihin nito ay tunay ngang namatay sa hazing si Castillo. Si Horacio ay freshman law student ng University of Santo Tomas.

Natagpuang bugbog sarado si Castillo umaga ng September 17 na nakabalot ng makapal na kumot. Hindi na umabot pa nang buhay sa Chinese General Hospital si Horacio na miyembro ng Aegis Juris.

TAGS: aegis juris, Horacio Castillo III, UST, aegis juris, Horacio Castillo III, UST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.