Payo ni Emmanuel Miro, head ng operations ng task force MMDA ASEAN, iwasan ng mga motorista ang ilang kalsada kung saan daraan ang mga convoy sa pagitan ng alas 6:00 hanggang alas 10:00 ng umaga sa linggo.
Ang gagawing convoy dry run ay pangatlo na para paghandaan ang ASEAN Summit.
Ayon sa ASEAN security task force, apektado ng convoy dry run ang sumusunod:
Mula Clark International Airport, Pampanga hanggang Metro Manila:
- Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX)
- North Luzon Expressway (NLEX)
- EDSA
Papuntang Manila Hotel:
- SLEX
- Skyway
- Buendia extension
- Diokno Boulevard
- Roxas Boulevard
Papuntang Bonifacio Global City, Taguig City:
- McKinley Street
- 5th to 30th Streets
Papunta sa The Peninsula Manila, Makati City:
- Ayala Avenue
- Makati Avenue
Papunta sa PICC, Pasay City:
- Jalandoni Street
- Araniz Street
- Sotto Street