LOOK: Mga lansangan na apektado ng isasagawang ASEAN convoy dry run sa Linggo, Oct. 15
Muling pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na iwasan ang mga lansangan na maaapektuhan ng convoy dry run sa October 15 bilang paghahanda sa Association of Southeast Asian Nations Summit sa November.
Payo ni Emmanuel Miro, head ng operations ng task force MMDA ASEAN, iwasan ng mga motorista ang ilang kalsada kung saan daraan ang mga convoy sa pagitan ng alas 6:00 hanggang alas 10:00 ng umaga sa linggo.
Ang gagawing convoy dry run ay pangatlo na para paghandaan ang ASEAN Summit.
Ayon sa ASEAN security task force, apektado ng convoy dry run ang sumusunod:
Mula Clark International Airport, Pampanga hanggang Metro Manila:
- Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX)
- North Luzon Expressway (NLEX)
- EDSA
Papuntang Manila Hotel:
- SLEX
- Skyway
- Buendia extension
- Diokno Boulevard
- Roxas Boulevard
Papuntang Bonifacio Global City, Taguig City:
- McKinley Street
- 5th to 30th Streets
Papunta sa The Peninsula Manila, Makati City:
- Ayala Avenue
- Makati Avenue
Papunta sa PICC, Pasay City:
- Jalandoni Street
- Araniz Street
- Sotto Street
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.