Mga militante, nagkilos-protesta sa Camp Aguinaldo; pag-abswelto ng korte kay Major Harry Baliaga, kinondena
Bilang pagkondena sa pag-abswelto ng mababang korte kay Major Harry Baliaga, nagkasa ng kilos protesta sa harap ng gate 2 ng Department of National Defense (DND) ang mga militanteng grupo.
Giit nila, papanagutin dapat si Baliaga na natitirang akusado sa pagdukot sa kilalang political activist na Jonas Burgos.
Paliwanag ni JL Burgos, nakababatang kapatid ni Jonas, hindi sila titigil hangga’t hindi nakakamit ang hustisya sa pagkawala ng kanyang kuya.
Uubusin daw nila ang lahat ng legal remedies at iaapela nila ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) branch 216.
Nagpasaklolo na rin daw sila sa Commission on Human Rights (CHR) hinggil dito.
Ayon sa grupong Karapatan at Desaparecidos, tila nagbubulag-bulagan ang korte dahil lahat ng ‘Big fish’ sa Burgos case ay abswelto na.
Partikular nilang tinukoy ang pag-dismiss ng Department of Justice (DOJ) noong September 2013 sa kasong murder, obstruction of justice, at arbitrary detention laban sa mga matataas na opisyal ng Philippine Army, kabilang ang dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Eduardo Año.
Nabatid na ang dating namumuno sa Philippine Army Intelligence Service, na si General Eduardo Año ay kasalukuyang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Habang si AFP Chief Hermogenes Esperon, na sinasabing sangkot din sa pagdukot kay Burgos ay siya namang National Security Adviser ngayon.
Kahapon, matapos ang 10 taon ay dinisisyunan na ng RTC branch 216 sa Quezon City ang kasong arbitrary detension kaugnay sa pagdukot sa agriculturist at aktibistang si Jonas Burgos.
Inabswelto si Baliaga dahil hindi naipakita ng prosekusyon na kasama ito sa mga umano’y dumukot kay Burgos sa isang mall sa Commonweath Avenue noong April 28, 2007.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.