LOOK: Listahan ng suspensyon ng klase sa Lunes, Oct. 16, 2017, dahil sa tigil-pasada

By Isa Avendaño-Umali October 13, 2017 - 08:00 PM

(UPDATE) Nagsuspinde na ng klase sa ilang mga lugar para sa darating na Lunes, October 16, 2017 dahil sa tigil-pasada na ilulunsad ng grupong PISTON.

Ito ay para maiwasang maabala sa biyahe ang mga estudyante sakaling marami sa mga pampasaherong jeep ang lalahok sa nationwide na tigil-pasada.

Narito ang mga lugar na nag-suspinde na ng klase para sa Lunes:

ALL LEVELS

  • Davao City
  • Makati City
  • San Mateo Rizal
  • Rodriguez, Rizal

PRE-SCHOOL TO SENIOR HIGH SCHOOL

  • San Fernando City, Pampanga

INDIVIDUAL SUSPENSION

  • National Teachers College

Ayon kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte magdedeploy ang lokal na pamahalaan ng mga bus ay aasiste sa mga maaapektuhang pasahero.

Dagdag ni Duterte, mainam na samantalahin ang tigil-pasada upang mag-obserba sa mga lansangan na may kakaunting pampasaherong jeepney at mas maraming bumibiyaheng bus, na target ng High Priority Bus system project para sa mga Dabawenyo.

Samantala, nagbabala si Mayor Inday na ang anumang krimen sa kasagsagan ng transport strike ay hindi palalagpasin.

Marapat din aniya na magpatupad ng self-restraint ang mga sasali sa protesta.

Sa Lunes at Martes (October 17) ang tigil-pasada ng PISTON, na layong kontrahin ang jeepney phaseout at modernization program ng pamahalaan.

 

 

 

 

 

 

TAGS: class suspension, nationwide transport strike, October 16, October 17, PISTON, Radyo Inquirer, class suspension, nationwide transport strike, October 16, October 17, PISTON, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.