Bagyong Odette nasa karagatan na ng Ilocos Sur; storm warning signal sa ilang lugar, ibinaba na
Nasa karagatan na ng Ilocos Sur ang tropical storm Odette.
Sa latest weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 45 kilometers West ng Sinait, Ilocos Sur.
Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 100 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Southwest sa bilis na 24 kilometers bawat oras.
Sa ngayon nakataas pa rin ang public storm warning signal number 2 sa Ilocos Norte, Batanes at Babuyan Group of Islands.
Signal number 1 naman ang nakataas sa Cagayan, Abra, Kalinga, Apayao, La Union, Ilocos Sur, Mountain Province, Benguet, Ifugao at Pangasinan.
Maghahatid pa rin ito ng katamtaman hanggang sa malalakas na buhos ng ulan sa nasasakop ng kaniyang 400 kilometer diameter.
Mamayang gabi o bukas ng madaling araw inaasahang lalabas ng bansa ang bagyong Odette.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.