Trust at approval ratings ni Pangulong Duterte mataas pa rin sa latest Pulse Asia survey
Napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “big majority approval ratings” sa latest survey ng Pulse Asia.
Sa Ulat sa Bayan survey ng Pulse Asia na isinagawa noong September 24 hanggang 30, 2017 at mayroong 1,200 respondents, nasa 80% ang approval rating ni Duterte, at 80% din ang trust rating nito.
Mataas din ang approval at trust ratings ni Vice President Leni Robredo na nakakuha ng 57% at 55% respectively; habang si Senate President Koko Pimental ay mayroong 55% at 52%.
Sa kabila ng mataas na rating ng presidente, bise presidente at Senate President, below 50% ang nakuhang approval at trust ratings nina House Speaker Pantaleon Alvarez (47% at 49%); at Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno (43% at 44%).
Pagdating naman sa performance ratings, nakakuha si Duterte ng 80%; Robredo, 57%; Pimentel, 55%; Alvarez, 33% at Sereno, 35%.
Sa naturang petsa kung kailan isinagawa ang survey, isa sa mga naganap at malalaking storya ay ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa P6.4 billion shabu shipment na nakalusot sa Bureau of Customs kung saan nakaladkad ang pangalan ni presidential son Paolo Duterte at Atty. Manases Carpio, mister ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte.
Sa nasabing panahon din pinabulaanan ni Pangulong Duterte ang anumang state policy ukol sa war on drugs; pagtungo ni Senador Antonio Trillanes IV sa Singapore para patunayang mali ang alegasyon ng presidente ukol sa bank accounts nito; at banta ng punong ehekutibo na bubuo ng independent commission upang siyasatin ang Office of the Ombudsman.
Naganap din sa survey dates ang 45th anniversary ng Martial Law declaration ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, kung saan nagkaroon na malakihang kilos-protesta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.