31 na patay sa wildfire sa Northern California

By Isa Avendaño-Umali October 13, 2017 - 11:33 AM

Pumalo na sa tatlumpu’t isa ang bilang ng mga nasawi sa wildfires sa Northern California, U.S.A.

Dahil dito, ang linggong ito ay itinuturing ng fire officials bilang “deadliest week of wildfires” sa kasaysayan ng California.

Nasa 400 indibidwal pa ang nawawala, habang patuloy na nakakarekober ng mga bangkay mula sa mga bahay na tinupok ng sunog.

Ayon kay Sonoma County Sheriff Rob Giordano, magiging mahirap ang identification o proseso ng pagkilala sa mga labi dahil karamihan sa mga ito ay halos naabo na at buto na lamang ang natira.

Sa kasalukuyan, patuloy na pinagsusumikapan ng mga bumbero na matupok ang nasa dalawampu’t isang magkakahiwalay na wildfires sa iba’t ibang lugar sa Northern California, gaya sa Napa at Sonoma Counties.

Naging mas malawakan pa ang wildfires dahil sa dry weather.

Sa datos, umabot na sa 3,500 na mga bahay at commercial structures ang nasunog at nasira ng husto.

 

 

 

 

 

TAGS: California Wildfire, Northern California, California Wildfire, Northern California

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.