Ayon kay DFA spokesperson Asec. Charles Jose, nagtanghal kasi ang grupo sa Malaysia nang walang karampatang work permit.
Pero sa halip na kasuhan, nagpasya ang immigration department na pagmultahin na lamang ang Mocha Girls. Hindi naman pa matukoy ng DFA kung magkano ang multang ipinataw sa grupo.
Agad ding nakauwi ng Pilipinas ang Mocha Girls kanina matapos makabayad ng multa.
Sa facebook account ng grupo, nag-post pa sila ng larawan nang makalabas sa immigration office ng Malaysia.
Sa nasabing larawan, may caption na nagpapasalamat ang grupo sa mga nag-alala at nagdasal para sa kanila. “We are back mga lalabz. We wil tell the full story of what really happened here in Malaysia when we arrive in Manila. Thank you sa lahat ng prayers at sorry sa mga nag-alala,” ayon sa FB post.
Kanina ay nag-post na din ng picture ang grupo na nagsasabing sila ay nakabalik na ng PIlipinas.