Operasyon ng mga EU envoy sa Pilipinas normal at magpapatuloy
Tuloy ang trabaho ng mga envoy ng European Union o EU na nasa Pilipinas.
Ito ay sa kabila ng matapang na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapalayas sa loob ng bente-kwatro oras sa mga ambassador ng EU na kasalukuyang nasa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ng EU na normal ang operasyon nila at handa pa ring makipagtulungan sa Pilipinas, kahit pa ganoon ang naging salita ng presidente.
Nilinaw naman ng EU na ang nakalipas na pagbisita ng pitong international delegates na kritikal sa war on drugs ng administrasyong Duterte ay hindi isang EU mission.
Kung anuman ang mga naging statement ng pitong delegado, sinabi ng EU na hindi nito nirereprisinta ang buong European Union.
Samantala, sinabi ng Department of Foreign Affairs o DFA na wala pa silang natatanggap na anumang direktiba hinggil sa pagpapalayas ni Duterte sa mga EU envoy.
Ayon sa DFA, mas mabuti na ang Malakanyang ang magbigay-linaw sa pahayag ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.