Isa pang sama ng panahon ang papasok sa bansa sa susunod na linggo

Binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, may tsansa na maging isang bagyo ang nasabing LPA at maaring isa nang tropical storm pagpasok sa bansa.

Sa susunod na linggo ay maaring pumasok ito ng PAR at papangalanang Paolo.

Samantala, ang bagyong Odette ay nasa bisinidad na ngayon ng Calanasan, Apayao.

Ayon sa PAGASA, nananatiling mapanganib ang magpalagay sa seabords ng Northern Luzon dahil tatawirin ito ng bagyong Odette.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...