37 patay, reporter nawawala dahil sa bagyo at baha sa Vietnam
Aabot na sa 37 ang namamatay dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa na idinulot ng ulan na dala ng Tropical Depression sa Vietnam.
Ayon sa mga awtoridad, ito na ang isa sa pinakamataas na naitalang bilang ng namamatay dahil sa pagbaha sa kanilang bansa.
Apatnapu pa ang nawawala kabilang ang isang mamamahayag na natangay ng tubig matapos masira ang isang tulay habang nag-uulat tungkol sa baha.
Samantala, 18 katao ang natabunan ng lupa ng buhay sa bayan ng Hoa Binh kung saan karamihan dito ay hindi pa natatagpuan.
Libu-libong katao ang inilikas at tinatayang nasa 16,000 kabahayan ang nalubog sa tubig baha ayon sa pamahalaan.
Ibinabala ng mga weather officials na maaari pang lumakas ang Tropical Depression na tumama sa Vietnam sa mga susunod na araw.
Idineploy naman ang daan-daang mga sundalo para tumulong sa rescue and retrieval operations ayon sa Vietnam’s disaster prevention agency.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.