Satisfaction rating ni Robredo tumaas; Sereno bumagsak
Tumaas ang net satisfaction ratings ni Vice President Leni Robredo sa nagdaang tatlong buwan ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Nakakuha si Robredo ng +41 o “good” na net satisfaction rating, na limang puntos na mas mataas sa nakuha niyang +36 rating noong June 2017.
Sa 1,500 na respondents, 62 percent sa kanila ang nagsabing satisfied sila sa performance ni Robredo, habang 21 percent naman ang nagsabing hindi.
Tumaas ng pitong puntos ang rating ni Robredo sa Balance Luzon sa +42, gayundin sa Visayas kung saan nakakuha siya ng +60, at sa Metro Manila kung saan nakakuha naman siya ng +27 ngayong September.
Pero kung naging maganda ang pagbabago sa ratings ni Robredo, bumagsak naman ng 12 puntos ang net satisfaction rating ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Mula kasi sa +21 na nakuha niya noong June, bumaba ito sa +9 nitong Setyembre.
Samantala, tumaas naman ng 13 puntos ang kay Senate President Koko Pimentel na ngayon ay nasa +46 na mula sa +33 noong June.
Gayunman, bumaba naman ang nakuhang rating ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mula sa +16 noong June ay nauwi na lang sa +8 ngayong September.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.