Ito’y dahil iisa lang din naman aniya ang ideolohiyang pinanghahawakan ng mga ito.
Ayon sa pangulo, mas mapapadali pa para sa gobyerno na pagtuunan sila ng pansin kung nasa iisang grupo na lang ang mga ito.
Ang mga Liberal at mga komunista aniya kasi ay pareho ng layunin na mapaalis siya sa pwesto.
“To Yellows and Reds, I would be happy really if they will start to merge into one command. Itong mga komunista at itong Liberal. At ito ‘yung ina na gustong paalisin ako. Mag-isa-isa na lang kayo, isang grupo,” ani Duterte.
Una nang inakusahan ni Pangulong Duterte ang LP at ang mga komunista na nasa likod aniya ng mga destabilization plots laban sa kaniyang administrasyon.