Mga ‘Dilawan’ at ‘Pula’ iisa lang ang ideolohiya – Duterte

By Kabie Aenlle October 13, 2017 - 02:15 AM

 

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga “dilaw” o ang mga miyembro ng Liberal Party (LP) at mga “pula” o ang mga komunistang rebelde na bumuo na lang at mag-sama sa iisang partido.

Ito’y dahil iisa lang din naman aniya ang ideolohiyang pinanghahawakan ng mga ito.

Ayon sa pangulo, mas mapapadali pa para sa gobyerno na pagtuunan sila ng pansin kung nasa iisang grupo na lang ang mga ito.

Ang mga Liberal at mga komunista aniya kasi ay pareho ng layunin na mapaalis siya sa pwesto.

“To Yellows and Reds, I would be happy really if they will start to merge into one command. Itong mga komunista at itong Liberal. At ito ‘yung ina na gustong paalisin ako. Mag-isa-isa na lang kayo, isang grupo,” ani Duterte.

Una nang inakusahan ni Pangulong Duterte ang LP at ang mga komunista na nasa likod aniya ng mga destabilization plots laban sa kaniyang administrasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.