Umaasa ang Philippine National Police na hindi na muling tataas pa ang bilang ng krimen sa bansa kahit pa Philippine Drug Enforcement Agency na ang may kapangyarihan sa mga illegal drug operations.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt Dionardo Carlos, batay kasi sa record noong inihinto ng PNP ang anti-illegal drugs operation mula buwan ng Enero hanggang Marso ay tumaas ang krimen at iba pang aktibidad na may kinalaman sa iligal na droga.
Paliwanag nya, ang pangyayring ito ang pinanangangambahan ring maulit ni PNP Chief Ronald Dela Rosa.
Kaya naman, patuloy daw silang magtatrabaho para mapanatili ang magandang numero na hawak nila.
Samantala, ipinagmalaki naman ni Carlos na sa isang taon at tatlong buwan nilang pangunguna sa war on drugs ay marami silang napagtagumpayan.
Patunay aniya dito ang pagsuko ng 1.3 milyong drug suspect na sumuko at ngayon isinasailalim sa drug rehabilitation para makapag-bagong buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.