CBCP nanawagan sa publiko na muling bumalik sa EDSA

By Den Macaranas October 12, 2017 - 06:08 PM

Inquirer photo

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa publiko na samahan sila para sa isang prusisyon na gaganapin sa EDSA.

Sa inilabas nilang anunsyo, sinabi ni CBCP President Archbishop Socrates Villegas na imbitado ang publiko sa Nobyembre 5 ganap na alas-tres ng hapon para sa prusisyon na gaganapin mula Edsa Shrine hanggang sa People Power Monument.

“I am inviting you and the communities with you to participate in the second phase of this period of praying for the victims of extrajudicial killings. We will start on November 5 until December 8, the solemnity of the Immaculate Conception”, ayon kay Villegas.

Ipinaliwanag pa ng pinuno ng CBCP na noong Setyembre 23 pa nila sinimulan ang “Stop the killing” campaign kaugnay sa mga umano’y biktima ng extra judicial killings sa ilalim ng kasalukuyang pamahalaan.

Para sa mga hindi makakadalo sa EDSA event, sinabi ni Villegas na sila ay maglalabas ng kautusan para sa mga pari na magsagawa na lamang ng kahalintulad na palatuntunan sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Dagdag pa ni Villegas, “We are inviting the men and women in consecrated life, the youth and their teachers, the poor and the rich, the healthy and the persons with disability, the laborers and the entrepreneurs, the police and the military, the majority and minority political parties, in other words EVERYBODY, to join this observance of the ‘Lord Heal our Land Sunday”.

TAGS: CBCP, edsa, EDSA Shrine, People Power Monument, prusisyon, villegas, CBCP, edsa, EDSA Shrine, People Power Monument, prusisyon, villegas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.