PDEA hinamon na maglunsad ng all-out-war laban sa droga

By Ruel Perez October 12, 2017 - 03:58 PM

Inquirer photo

Dapat umanong targetin ng Phil Drug Enforcement Agency ang mga big time drug lords ng ilegal na droga sa bansa.

Ito ay matapos na alisin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police sa eksena sa paglaban sa ilegal na droga at itoka na lamang ang trabaho sa PDEA.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, kailangan ideklara ng PDEA ang all-out-war laban sa mga big time suppliers at mga manufacturers

Pero giit ni Pimentel, dapat maging layunin ay arestuhin ang mga ito at ipakulong at hindi patayin.

Sa pamamagitan ng isang memorandum na inilabas noong Martes, inatasan ni Duterte ang PDEA na manguna sa pagsasagawa ng mga anti-illegal drugs operations may kinalaman sa lahat ng kaso mga paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: Illegal Drugs, PDEA, Pimentel, PNP, Illegal Drugs, PDEA, Pimentel, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.