Ipinatigil na ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa ang pagpapatupad ng Oplan Tokhang sa buong bansa.
Ito’y kasunod na rin ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilipat na sa Philippine Drugs Enforcement Agency o PDEA ang kapangyarihan sa war on drugs.
Paliwang ni Dela Rosa, sa ngayon ay tigil muna ang lahat ng PNP operations sa bansa na may kaugnayan sa iligal na droga at ang pagtutuunan muna nila ng pansin ang pagsugpo sa kriminalidad partikular na ang mga riding-in-tandem.
Pagtutuunan din daw nila ngayon ang paglilinis sa kanilang mga hanay.
Dahil sa pagpapatigil, naka hold na rin ngayon ang iba pang programa ng PNP sa ilalim nito katulad ng Oplan double barrel alpha reloaded at paglalagay ng drop box sa mga barangay para makakuha ng impormasyon sa mga drug suspects.
Nilinaw naman ni Dela Rosa na sa kabila ng pagtapyas sa kanilang kapangyarihan sa war on drugs ay suportado pa rin nila at handa silang magbigay ng tulong sa PDEA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.