PNP pwede pa ring umaresto ng mga drug suspects
Maaari pa ring mang-aresto ang Philippine National Police ng mga drug personalities kahit pa tinanggalan na sila ng kapangyarihan sa war on drugs campaign ng pamahalaan.
Ito ang babala ni PNP Deputy Spokesperson SSupt. Vimellee Madrid sa publiko kasunod ng kalituhan sa kung hanggang saan na lang ba ang saklaw ng PNP pagdating sa illegal drugs campaign.
Ayon kay Madrid, sakaling may maaktuhan silang nag-aabutan ng droga ay maaaring ipatupad ng pulisya ang warantless arrest at hindi na nila kakailanganin pang tumawag sa PDEA.
Paglilinaw pa ni Madrid, maaring umakyson agad ang mga pulis sakaling may impormasyon silang makuha na may ‘commission of crime’ lalo na kung drug related ito.
Kamakalawa ay naglabas ng memorandum ang pangulo kung saan nakasaad dito na ang PDEA na ang siyang magiging lead agency sa anti-drug campaign ng pamahalaan. / mark
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.