P900 Million Oplan Tokhang budget hindi na ibibigay sa PNP

By Ruel Perez October 12, 2017 - 03:33 PM

Inquirer photo

Plano ng mga senador na tuluyan ng tanggalin ang P900 Million na panukalang budget ng Philippine National Police para sa Project: Double Barrel at Oplan Tokhang kaugnay sa war on drugs.

Ito ang tugon ni Sen. Loren Legarda, chairperson ng Senate Finance Committee matapos ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency na lamang ang magiging lead agency sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Sang-ayon naman dito si Finance Committee Vice Chairman Senator Panfilo Lacson,

Giit ni Lacson, hindi na dapat ibigay ang nasabing pondo sa PNP dahil ang PDEA na ang bida sa anti-drug war.

Dagdag pa ni Legarda, ang nasabing hakbang ay binanggit na nila kay Chief PNP Ronald Bato dela Rosa at tanggap naman umano ng opisyal na anuman ang maging pasya ng senado sa pondo ng PNP para war on drugs.

TAGS: lacson, Legarda, PDEA, PNP, tokhang, lacson, Legarda, PDEA, PNP, tokhang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.