PNP anti-drug units sa buong bansa bubuwagin na

By Mark Makalalad October 12, 2017 - 03:28 PM

Inquirer photo

Bubuwagin na ang lahat ng Drug Enforcement Unit ng Philippine National Police sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Ito ang inihayag ni Police Director Camilo Cascolan ng Directorate for Operations, kasunod ng pag-alis sa kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP na pangunahan ang war on drugs campaign.

Ayon kay Cascolan, ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kasi ang mangangasiwa sa illegal drug operations at tanging law enforcement activities na lamang ang pagtutuunan nila ng pansin.

Paliwanag niya, mako-convert na ang DEU sa Detectives/Police Intel Operatives na ang pangunahing layunin ay ‘prevention’ at magbigay ng ‘solution’ sa mga street crimes.

Sinabi rin ni Casolan na ang lahat ng kaso na iniimbestigahan nila ngayon ay ipapasa na rin sa PDEA.

TAGS: anti drug units, cocolan, PDEA, PNP, anti drug units, cocolan, PDEA, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.