Malacañang hands-off sa impeachment case ni Comelec Chairman Bautista

Ipinauubaya na ng Malacañang sa Kongreso ang impeachment case ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, bahala na ang mga mambabatas sa pagdedesisyon sa naturang isyu.

Sinabi ni Abella na kinikilala ng palasyo ang serbisyo ni Bautista.

Sa ngayon, wala pang napipiling kapalit ni Bautista ang pangulo.

Umaasa aniya ang Malacañang na magkakaroon ng maayos na transition at preparasyon sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na isasagawa sa susunod na taon pati na ang posibleng plebisito sa Bangsamoro basic law at charter change sa 2019.

Ang impeachment case rin umano ang magsisilbing venue para sagutin ng opisyal ang mga akusasyon laban sa kanya.

Sinabi pa ni Abella na igagalang ng Malacañang anuman ang maging desisyon ng Senado bilang impeachment court sa kaso ni Bautista.

Read more...