Mga inihayag ni John Paul Solano sa executive session ng Senado, isasapubliko

By Ruel Perez October 12, 2017 - 11:54 AM

Kuha ni Ricky Brozas

Nagkasundo ang mga senador na isapubliko ang mga naging testimonya ni John Paul Solano hinggil sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Atio Castillo III na binanggit sa executive session sa senado.

Sa tatlong pahinang resolusyon na ihinain ni Sen. Juan Miguel Zubiri, pinapayagan ng mga senador sina Sen. Richard Gordon, chairman ng senate commmittee on justice and human rights at Sen. Ping Lacson, chairman ng committee on public order and dangerous drugs na ilabas sa publiko ang naging testimonya ni Solano noong September 25.

Ayon kay Zubiri, 23 mga senador ang pumabor sa nabanggit na resolusyon bagaman hindi nakapirma sa resolusyon sina Sen. Grace Poe at Leila de Lima pero ayon kay Sen. Zubiri, nagpahayag ng suporta ang dalawang senador.

Sinabi ng senador na sang-ayon sa panuntunan ng senado bagaman dapat ay hindi inilalabas sa publiko ang anumang mga impormasyon na nakuha sa isang executive session, maari naman itong isapubliko kung papayagan ng komite at sa pamamagitan ng 2/3 na boto ng mga senador.

Sa nasabing executive session, nagbanggit si Solano ng mga pangalan ng mga miyembro ng Aegus Juris na nakita niya nang siya ay dumating sa frat library noong araw na nasawi si Castillo.

 

 

 

 

TAGS: executive session, Horacio Castillo III, John Paul Solano, Senate, executive session, Horacio Castillo III, John Paul Solano, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.