Bagyong Odette, bahagyang bumilis; mga lugar na nasa signal #1, nadagdagan pa

By Dona Dominguez-Cargullo October 12, 2017 - 11:23 AM

Nadagdagan pa ang mga lugar na nakasailalim sa public storm warning signal number 1 dahil sa bagyong Odette.

Sa update mula sa PAGASA, sakop na ng storm warning signal number ang Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Napanatili naman ng bagyo ang taglay nitong lakas ng hangin na aabot sa 55 kph at pagbugsong aabot sa 65 kph.

Bumilis ang bagyo at kumikilos na ngayon sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 30 kph.

Bago tumama sa kalupaan ng Cagayan o Isabela mamayang gabi hanggang bukas ng madaling araw ay maaring lumakas pa bilang tropical storm ang bagyo.

 

 

 

 

 

TAGS: Cagayan, Ilocos Region, Radyo Inquirer, Tropical depression Odette, Cagayan, Ilocos Region, Radyo Inquirer, Tropical depression Odette

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.