Senado mag-aaksaya lang ng oras kung magco-convene bilang impeachment court vs Bautista
Iginiit ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na magiging pagsasayang lang ng oras kung magko-convene pa ang senado bilang impeachment court para litisin si Commission on Elections o Comelec Chairman Andres Bautista.
Ito ay makaraang magdesisyon ang plenaryo ng kamara na ipa-impeach si Bautista.
Paliwanag ni Pangilinan, ang layunin ng impeachment ay para alisin sa pwesto ang isang impeachable official katulad ni Bautista.
Pero dahil nagbitiw na nga ito sa pwesto epektibo sa katapusan ng December 2017, sinabi ni Ppangilinan, hindi na kailangang magkaroon pa ng impeachment trial para kay Bautista.
Magugunitang na-impeach sa kamara si Bautista kahapon matapos makakuha ng sapat na boto mula sa mga mambabatas.
Tanggap naman ni Bautista ang pasya ng kamara pero sinabi nitong nagulat siya sa resulta dahil dalawang beses nang nabasura ang impeachment complaint laban sa kaniya sa house justice committee.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.