LOOK: Mga kanseladong flights ngayong araw, Oct. 12, dahil sa sama ng panahon

Kanselado na ang ilang biyahe patungo sa Cagayan Valley dahil masamang panahon na dulot ng bagyong Odette.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang biyahe ng Cebu Pacific na flights 2P 2014 / 2015 Manila – Tuguegarao – Manila.

Gayundin ang flights 2P 504/505 Manila – Tuguegarao – Manila ng PAL Express.

Ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan ngayon sa Cagayan na apektado ng tropical depression Odette.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na direktang makipag-ugnayan sa airlines companies para sa rebooking o refund ng pamasahe.

 

 

 

 

 

Read more...