23,000 pulis, ipakakalat ng NCRPO para sa 31st ASEAN Summit

By Mariel Cruz October 12, 2017 - 09:41 AM

Hindi bababa sa 23,000 na pulis ang ipapakalat ng National Capital Region Police Office bilang bahagi ng paghahanda sa seguridad para sa nalalapit na 31st Association of Southeast Asian Nations Summit sa Nobyembre.

Ayon kay NCRPO chief Director Oscar Albayalde, malaking paghahanda ang ginagawa nila ngayon para sa ASEAN Summit.

Magkakaroon aniya sila ng augmentation na manggagaling naman sa iba’t ibang rehiyon gaya ng Regions 3, 4 at 5, at maging sa national headquarters.

Una nang inanunsiyo ng Metro Manila Council at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Danilo Lim na suspendido na ng klase sa lahat ng antas Metro Manila sa November 16 at 17 para sa ASEAN.

Inirekomenda na rin ng MMDA sa pamahalaan na ideklarang non-working holidays ang November 13, 14 at 15 para mapagaan ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Inaasahan naman na dadalo si US Pres. Donald Trump sa ASEAN Summit matapos itong kumpirmahin ng Malacañang.

 

 

 

 

 

TAGS: Asean summit, NCRPO, PNP, security measures, Asean summit, NCRPO, PNP, security measures

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.