Flight ng Cebu Pacific patungong Davao, naantala dahil sa isang bag na walang umangkin

FILE PHOTO

Naantala ang alis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng isang eroplano ng Cebu Pacific na patungo sana sa Davao City Airport.

Ito ay dahil sa isang backpack na wala agad umangkin na pasahero.

Ayon kay Cebu Pacific spokesperson Charo Logarta, alas 7:00 ng umaga ang original departure time ng flight 5J 963 sa NAIA Terminal 3.

Pero 8:30AM na ito nakaalis, dahil kinailangang magsagawa ng security check sa bag bilang standard operating procedure.

Matapos ang pagsusuri, wala namang nakitang ikapapahamak ng eroplano at mga pasahero.

Natuklasan kalaunan na ang bag ay pag-aari ng isang pasahero na na-late ng akyat sa eroplano dahil mayroon pa siyang binayaran sa counter.

Humingi ng paumanhin si Logarta sa mga naperwisyong pasahero.

Ang nasabing insidente ay magreresulta din ng pagka-delay sa flight 5J 964 mula Davao patungong Maynila.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...