8 lugar isinailalim sa signal number 1 dahil sa bagyong Odette
Itinaas ng PAGASA ang public storm warning signal number 1 sa walong lugar sa Luzon dahil sa bagyong Odette.
Ang tropical depression ay huling namataan sa 730 kilometers East ng Tuguegarao City, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 26 kilometers bawat oras.
Itinaas na ng PAGASA ang signal number 1 sa Cagayan, Babuyan Group of Islands, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province at Ifugao.
Bukas ay tatama ang bagyo sa kalupaan ng Cagayan at maari ding lumakas pa bilang tropical storm.
Anumang oras ay magtataas na rin ng tropical storm warning signal sa mga lalawigan sa Ilocos.
Ayon sa PAGASA, dahil sa bagyo, makararanas ng malakas na buhos ng ulan na may kaakibat na malakas na hangin ang lalawigan ng Cagayan, Isabela, Abra, Kalinga, Apayao at Mountain Province.
Maulap na papawirin naman na may katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley at sa Cordillera Administrative Region, Visayas, nalalabing bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.