Lisensya ng NBC at iba pang major networks, binantaang kukuwestyunin ni Trump

By Rhommel Balasbas October 12, 2017 - 01:54 AM

 

Muling binatikos ni United States President Donald Trump ang media at sinabing oras na para i-challenge ang mga lisensya ng mga ito.

Ito ay matapos ang ulat ng NBC Network na balak niyang palawigin ang US nuclear arsenal.

Anya, purong “fiction” o kasinungalingan lamang ang ulat ng NBC at layon lamang nitong sirain siya.

Sa isang tweet, binatikos ni Trump ang NBC at ang mga networks dahil sa umano’y mga fake news na pinapakalat nito.

Ayon sa ulat ng NBC, nanawagan umano si Trump noong Hulyo na nais nitong palawigin ang stockpile ng Amerika ng atomic missiles.

Ayon naman sa ilang media commentators, mahihirapan si Trump na tanggalin ang lisensya ng mga networks.

Ang Fedral Communications Commission na nagreregulate sa US broadcasters at networks ay nag-iisyu ng lisensya hindi sa isang buong network kundi sa mga local stations.

Sa kasalukuyan, nagmamay-ari ang NBC ng aabot sa 30 local stations.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.