‘Pork free’ ang 2018 budget-Nograles

By Rhommel Balasbas October 12, 2017 - 03:54 AM

 

Iginiit ni Davao City Rep. Karlo Nograles na siya ring chairman ng House Committee on Appropriations na “pork-free” ang P3.767 trilyong budget para sa 2018.

Ito ang tugon ng kongresista sa naging pahayag ni Sen. Panfilo Lacson na ang bersyon ng Kamara sa General Appropriations Bill ay naglalaman pa rin ng pork barrel funds na nagtatago sa alokasyon ng ilang ahensya ng gobyerno.

Ayon kay Nograles, katulad ng nakaraang taon at sa mga susunod na taon, sinisiguro niyang walang pork barrel funds ang pambansang budget.

Sumusunod anya ang Kongreso sa desisyon ng Korte Suprema na nagdedeklara sa nasabing pondo ng mga mambabatas bilang “unconstitutional”.

Matatandaan na naging kontrobersyal ang Priority Development Assistance Fund o PDAF na ginagamit ng mga mambabatas sa kanilang mga programa para sa kani-kanilang mga distrito.

Ayon kay Nograles, hindi na kailangan pa ang pork barrel funds dahil ang mga budget para sa mga programa ng gobyerno ay naka “itemized” na at detalyadong nakalista sa budget book.

Transparent anya ang naging pagproseso at deliberasyon para sa 2018 national budget at bukas ang budget book sa sinomang kukwestyon dito.

Iginiit din ni Nograles na hindi na maaaring makialam ang mga mambabatas sa disbursement at paggamit ng mga pondo at pagpapatupad sa mga proyekto at programa dahil ang mga nasabing hakbang ay gawaing pang-ehekutibo.

Naniniwala rin anya siya na hindi rin papayag si Pangulong Duterte na ibalik pa ang pork barrel sa budget dahil galit ito sa korapsyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.