Deliberasyon sa 2018 nat’l budget, sinuspinde muna ng Senado

 

Pansamantala munang sinuspinde ng Senado ang mga debate sa plenaryo tungkol sa panukalang pambansang pondo sa 2018 na nagkakahalaga ng P3.8 trilyon.

Ito’y dahil ngayong araw, October 12 na magsisimula ang kanilang isang buwang break ng Kongreso.

Ayon kay Senate committee on finance chair Loren Legarda, magpapatuloy ang kanilang deliberasyon para sa 2018 budget sa pagbabalik-sesyon ng Kongreso sa November 13.

Target pa rin naman aniya nilang maisabatas ang panukala sa simula ng buwan ng Disyembre.

Nais sana ng mataas na kapulungan na matapos na ang deliberasyon ngayong linggo para aaprubahan na lang ito kapag nakabalik na sila sa sesyon.

Ngunit dahil sa iba’t ibang mga katanungan na ibinato ng mga senador para sa mga pondo ng iba’t ibang ahensya, napahaba ang naganap na deliberasyon kahapon.

Read more...