PPCRV, pinapurihan ang pagbibitiw ni Bautista sa pwesto

 

Pinapurihan ng poll watchdog ng Simbahang Katolika na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang pagbibitiw ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andy Bautista sa kanyang pwesto.

Tinawag ni PPCRV Chairpeson Rene Sarmiento ang ginawang pagkilos ni Bautista na “laudable and praiseworthy.”

Ani Sarmiento, ang pagbibitiw ni Bautista sa pwesto ay magbibigay daan sa Comelec upang mas maisakatuparan ang mandato nito sa ilalim ng saligang batas.

Anya, ang bansa naman ang lubhang makikinabang sa resignation ni Bautista dahil magreresulta ito sa pagbibigay atensyon pa ng Comelec sa pagpapatupad ng mas kapaki-pakinabang na electoral reforms.

Bukod pa rito, sinabi rin ng pinuno ng PPCRV na makikinabang din si Bautista sa resignation nito dahil mas makakapagbigay ito ng “quality at quantity time” para sa kanyang mga anak.

Read more...