Pondo para sa Oplan Double Barrel, posibleng alisin o ilipat sa ibang ahensya

By Kabie Aenlle October 12, 2017 - 04:09 AM

Ngayong ibinaba na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan na tuluyang nag-aalis sa Philippine National Police (PNP) sa eksena ng drug war, maaring alisin, bawasan o ilipat na ang pondong inilaan sa kanilang “Oplan Double Barrel.”

Nagkakahalaga kasi ng P900 milyon ang pondong ipinanukala ng PNP na ilaan para sa Oplan Double Barrel na kanilang ginagawa para sa kampanya kontra iligal na droga.

Gagamitin sana ito pambili ng mga baril para sa mga pulis, at pang-pondo sa mga buy-bust operations na kanilang ikakasa.

Ayon kay Senate finance committee chair Loren Legarda, nabanggit na niya kay PNP chief Director Gen. Ronald dela Rosa na nasa alanganin na ngayon ang nasabing pondo.

Nakatitiyak kasi si Legarda na maaapektuhan talaga ng desisyon ng pangulo ang bahaging ito ng budget ng PNP.

Sa ngayon ay aalamin pa aniya kung alin ba sa mga paglalaanan ng pondo ang maaring panatilihin, at aling bahagi nito ang nakalaan para sa mga armas, buy-bust operations at saka ito sisiyasatin kung alin sa mga ito ang maari nang alisin o ilipat sa ibang ahensya ng pamahalaan.

Aniya, maaring mawala, mabawasan o mailipat ang mga nasabing pondo dahil sa mga pagkakamaling naganap.

Matatandaang nilagdaan na kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang bukod tanging ahensyang magkakasa ng mga anti-drug operations ng pamahalaan.

Dahil dito ay magiging limitado na lamang sa pagpapanatili ng police visibility ang PNP.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.